Mahusay na ipinatutupad ng Clark Development Corporation ang istriktong protocols sa paglaban sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa loob ng Clark Freeport Zone.
Sa unang dalawang araw ng pagpapatupad, naobserbahan ang bahagyang epekto sa pagsisikip ng trapiko sa mga tarangkahan. Gayunpaman, ang sitwasyon ay bumuti sa mga oras na ito.
Ang CDC ay naglabas ng direktiba na ipinapatupad mula noong Enero 15, 2022 na ang lahat ng papasok sa Clark ay dapat na ganap na mabakunahan o dapat ay negatibo sa COVID. Kinakailangan magpakita ng vaccination card o resulta ng COVID-19 test sa mga gate o tarangkahan ng Clark. Pinapayagan pumasok ang mga taong naturukan ng unang dose at naka-schedule pa ang second dose kahit walang antigen ng RT-PCR test results.
Hindi dapat lumampas sa 72 oras ang resulta ng COVID (Antigen o RT-PCR) bago makapasok.
Pinahintulutan ng CDC ang mga pamamahala ng mga locator-firm sa loob ng Clark at mga operator/driver ng mga pampublikong sasakyan na magbigay ng tulong sa pagpapatupad ng nasabing pagpataw.
Pinapatayagan din ang unvaccinated individuals na direktang magtungo sa ospital at iba pang health facilities sa CFZ. Bukod dito, ang bawat tao na may kumpirmadong flight sa pamamagitan ng Clark International Airport ay papayagang makapasok sa CFZ sa pagpapakita ng tiket sa eroplano at pasaporte.
Tulad ng alam natin, nagkaroon ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga nahawaang Covid-19 sa Clark pagkatapos ng Kapaskuhan nitong Disyembre. Sinimulan ng CDC ang safety boost process noong Enero 15.
Tiniyak ni CDC President Manuel R. Gaerlan na lahat ng papasok sa CLARK ay hindi carrier ng virus na dulot ng pandemya. Ito aniya ang isa sa paraan para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant na malaki ang epekto sa mga hindi bakunado.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY