November 24, 2024

JINGGOY ESTRADA, 5 IBA PA PASOK SA UNITEAM NG MARCOS-DUTERTE TANDEM

Inilabas ng tandem nina dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang anim na senatorial bets kabilang ang dating miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang online Manila Virtual Caravan, inanunsiyo ng UniTeam, ang mga sumusunod na miyembro ng kanilang senatorial slate.

  • Former Senator Jinggoy Estrada
  • Senator Sherwin Gatchalian
  • Former Defense Secretary Gibo Teodoro
  • Former Palace spokesperson Harry Roque
  • Former Public Works Secretary Mark Villar
  • Former Quezon City Mayor Herbert Bautista


Si Marcos ay tumatakbong pangulo habang ang kanyang vice president ay si Duterte.

Si Villar, ay anak ni dating Senate President Manny Villar at incumbent Senator Cynthia Villar.

Si Estrada, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, ay nais bumalik sa Senado, tumatakbo sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino party.

Si Teodoro, isang dating kinatawan ng Tarlac, ay tumatakbo sa ilalim ng People’s Reform Party. Tumakbo rin siya bilang pangulo noong 2010.

Si Roque ay tumatakbo rin sa ilalim ng PRP, ang partidong itinatag ng yumaong Senador Miriam Defensor Santiago.

Si Bautista, dating alkalde ng Quezon City, ay kasama rin sa senatorial lineup ni presidential aspirant Senator Ping Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto. Kasama rin si Gatchalian sa senatorial slate ni Senator Manny Pacquiao