Malugod na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na patapos na ang NavoHomes 2 Kaunlaran na paglilipatan ng 120 pamilyang Navoteño na nakatira sa tabing dagat o danger zoon.
Sinabi rin ni Mayor Tiangco na natambakan na ang limang ektaryang site ng NavotaAs Homes 3 sa Tanza at ito ay natambakan ng libre sa kagandahan loob ng San Miguel Corporation
“Taong 2003 palang ay sinimulan na natin ang pagbili ng unang in-city housing ng Navotas na may kabuuang 8.4 hectares. Ito po ang NavotaAs Homes 1 Tanza na may 1,380 housing units,” ani alkalde.
Ayon naman kay Cong. John Rey Tiangco, napa-build na ng National Housing Authority (NHA) ang pagpapatayo ng 23 5-story building o 1,380 housing units sa NavotaAs Homes 3.
Kasama aniya sa plano sa bagong pabahay ng lungsod ang mga pasilidad, kabilang ang health center, livelihood training center, day care at elementary school, palengke at iba pa.
Dagdag pa niya, nakapagpatayo na rin ang lungsod ng 219 units sa NavotaAs residences San Roque, 60 units sa Navohomes Dagat-Dagtaan, 120 units sa Navohomes 1 Kaunlaran at 408 units sa NavotaAs Homes 2 Tanza.
“Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil at patuloy natin pagsisikapan na maghatid ng ligtas, maayos at de-kalidad na tahanan para sa pamilyang Navoteño,” pahayag ni Cong. Tiangco.
Sa kasalukuyan, ayon kay Mayor Tiangco ay may 2,187 housing units na ang lungsod para sa mga pamilyang Navoteño at sakaling matapos aniya ang NavoHomes 2 Kaunlaran at NavotaAs Homes 3 Tanza ay magiging 3,687 ang total ng housing units.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY