MAYNILA — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Martes.
Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) noong Lunes sa pangulo ang “progressive expansion” ng limitadong in-person classes pagsapit ng Pebrero kung saan tanging COVID-19 vaccinated teaching at non-teaching staff ang papayagang makilahok.
“Yes, as presented by [Secretary Leonor] Briones, ang kanilang recommendation to the president is to allow the DepEd, together with DOH (Department of Health) to expand face-to-face classes lalong-lalo na sa mga naka-Alert Level 2, subject to number 1 support ng LGU (local government unit), number 2 may pahintulot din po sa mga magulang and sa mga stakeholders ng pamahalaan,” wika ni Nograles sa Palace press briefing nang tanungun kung aprubado ni Duterte ang rekomendasyon.
“So, with no objection, kumbaga walang objection si pangulo doon, and after the presentation in Sec. Briones, then tuloy-tuloy po nila ‘yung pag-aaral nila. Again, it will be the DepEd and DOH combined who will be assessing the expansion pilot implementation ng (of) face-to-face classes under DepEd,” pagpapatuloy niya.
Natapos ang pilot run ng physical classes ng DepEd noong Disyembre 22. May kabuuang 287 paaralan ang nagsagawa ng klase sa humigit-kumulang 15,000 estudyante.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI