Nasakote ang isang mag-asawa na tulak umano ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Norhern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Mark Anthony Diwa alyas “Bolok”, 40 (Listed), at Meriam Mariano alyas “Yampot”, 29, (Listed), kapwa ng No.166 I. Diwa St., 8 Ave., Brgy. 59.
Ayon kay PLt. Col. Castillo, dakong alas-12:05 ng hating gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P2,500 halaga ng shabu.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na mga opertatiba saka inaresto nila ang dalawa.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 11 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI