Hinambalos ang California ng tsunami na may taas na 4 na talampakan. Naging dahilan ito ng evacuation alerts sa US, Japan at Australia matapos sumabog ang underwater volcano sa coast of Tonga.
Ito ay ang Hunga Tonga-Hunga Ha’apai volcano.
Nanalasa ang alon na nagpabaha sa mga kalye sa California. Kaya naman naglabas ang operatiba sa California na lumikas sa tabing dagat. May mga ideo na rin sa social media ng epekto ng pananalasa ng tsunami dahil sa pagputok ng bulkan.
Ang eruption ay narinig na kasinglakas ng kulog sa Fiji, may 500 milya milya mula sa Tonga. Dahil dito, may iba pang bansa ang nag-issue ng alerts upang paprotektahan ang kanilang mga mamamayan.
Nag-isyu ang New Zealand ng tsunami warnings, gayundin ang New Zealand. Mimomonitor ng otoridad roon ang sitwasyon. Umabot sa kanila ang gas, abo at usok.
Iniulat naman na lumikas si King Tupou VI ng bansang Tonga mula sa Royal Palace sa Nuku’alofa. Kung saan ay isinakay siya sa police convoy mula sa villa na malapit sa coastline.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY