Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa buhat nang magsimula ang pandemya.
Base sa report ng Department of Health, umabot sa 39,004 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nilampasan nito ang dating record na 37,207 na nangyari noong Biyernes.
Lumalabas na nagunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehihiyon na may pinakamataas na bilang ng panibagong kaso sa bilang na 18,142, sinundan ng Region 4-A na may 9,172 at Region 3 na may 3,325.
Dahil dito umakyat na sa 280,813 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Sumampa na rin sa 3,168,379 ang kabuuang bilang ng kaso ng tinamaan ng new coronavirus.
Samantala, 23,613 ang nadagdag na gumaling, 2,834,708 ang bilang na ang kabuuang bilang ng COVID-19 survivor.
Habang umabot na sa 52,853 ang death toll sa bagong 43 na nasawi sa virus.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY