November 23, 2024

15 PINOY NASAGIP SA SABAH

Matagumpay na naihatid ng Philippine Navy, sa pamamagitan ng Naval Task Group (NTG)-Tawi-Tawi, ang 15 Filipino na nakaligtas sa isang maritime incident mula Sabah patungo sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Rear Admiral Toribio Adaci Jr., Maba; Forces Western Mindanao (NFWM) commander, residente ng Tawi-Tawi ang 15 Filipino na nasagip ng Malaysian Maritime Enforcement Agency (MMEA) sa Bukit, Lawa-Lawa, Sabah.

Pito sa kanila ay tauhan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang ang iba ay mga crew ng vessel.

Umalis ang grupo noong Enero 6 sa Bongao, ang capital ng Tawi-Tawi, sakay ng M/L Dayang Jubaira Express patungo sa munisipalidad ng Turtle Islands.

Gayunpaman, sinabi ni Adaci na naanod ang kanilang sasakyang pandagat na gawa sa kahoy at sumadsad sa baybayin ng Bukit, Lawa-Lawa matapos masira ang makina nito.

Nangyari ang insidente habang papunta ang pitong tauhan ng TESDA para magsagawa ng livelihood seminar sa bayan ng Turtle Islands, na matatagpuan sa loob ng Sulu Sea sa timog-kanlurang dulo ng bansa, sa hangganan ng international treaty limits na naghihiwalay sa Pilipinas at Malaysia.

Kaagad nakipag-ugnayan si Col. Nestor Narag, Director ng  Maritime Coordinating Center-Tawi-Tawi of the Joint Task Force INDOMALPHI (Indonesia, Malaysia, and the Philippines), sa kanyang Malaysian counterpart sa Tawau-Malaysia, matapos ipaalam ng mga kaanak ng 15 Pinoy na nasagip sila ng MMEA sa Lawa-Lawa, Sabah.


Ibinigay ng Malaysian authorities noong Lunes ang 16 Pinoy sa Philippine counterparts na kinakatawan ni Narag sa maritime border ng Sabah at Tawi-Tawi.

Mula rito, inihatid ng Philippine Navy vessels ang 15 Pinoy sa Bongao, Tawi-Tawi at pormal na itunurn-over sa municipal at provincial government offials.