SAN ANDRES, QUEZON – Dalawang lay low member ng NPA sa ilalim ng Sub Regional Military Area 4B (SRMA-4B) ang kusang loob na sumuko sa pamahalaan.
Ika-8 ng Enero taong kasalukuyan, 2 lay low na miyembro ng NPA ang kusang loob na sumuko sa himpilan ng 85 Infantry (SANDIWA) Battalion sa pamumuno ni LTC ERWIN Y COMENDADOR PA Commanding Officer, na nakatalaga sa bayan ng Buenavista, Quezon. Ito ay sina 1) ka jomel at 2. ka rowen/ ka ruben mga residente ng Brgy. Camflora San Andres, Quezon. Sila ay parehong mga lay low na NPA sa ilalim ng SRMA 4B na kumikilos dito sa lalawigan ng Quezon partikular sa ikatlo at ikaapat na distrito.
Ayon sa kanilang dalawa, napakahirap ang kanilang naging buhay sa loob ng hukbo. Matinding pagod at gutom ang kanilang dinanas noong sila ay nasa kilusan pa. Kaya’t napagpasiyahan nilang sumuko na lang at magbalik ng katapatan sa pamahalaan imbes bumalik sa loob ng kilusan. Nanawagan din sila sa kanilang mga dating kasamahan na sumuko na rin gaya nila. “Sumuko na kayo, walang mapupuntahan ang maling pakikibaglaban. Ibaba na ninyo ang inyong mga armas at tulad namin kayo ay kanilang tutulungan upang makapagbagong buhay at makapag simula muli.”
Nagpahayag din ng kagalakan ang ama ng bayan ng San Andres, Quezon na si Kgg. Giovanne T. Lim. Aniya, “nakakatuwa sa kalooban, na bagamat minsan sila’y naligaw ng landas ngunit ngayon ay nagbabalik para makapagbago at umpisahan muli ang buhay ng may pag-asa. Asahan ninyo na buo ang suporta ng pamahalaan ng San Andres upang kayo ay matulungan. Salamat sa programa ni PRRD na NTF-ELCAC. Ito’y malaking tulong sa mga katulad ninyong gustong magkaroon ng bagong buhay.
Kasalukuyan namang inihahanda ng kinauukulan ang mga dukumento ng mga sumuko para isailalim sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-clip) upang sila ay makapagsimula ulit ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya. (PAU DELA CRUZ)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY