November 3, 2024

Domingo nagbitiw bilang FDA director general

MAYNILA – Epektibo ngayong araw (Enero 3) ang ginawang pagre-resign ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo sa kanyang puwesto.

“I believe I did my part to help during the pandemic. The FDA is now stronger, more efficient and systems are in place. It’s time for me to move on to other things,” saad ni Domingo sa INQUIRER.net.

Ayon sa Department of Health, itinalaga si FDA Deputy Director General Dr. Oscar Gutierrez bilang officer-in-charge.

Mahalaga ang ginanmapanang papel ni Domingo para tugunan ang epekto ng COVID-19 sapagka’t ang FDA ang responsable sa pag-apruba ng emergency use authorization ng mga bakuna, bukod sa iba pang responsibilidad.