Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga opisyal ng gobyerno na tiyakin na gastusin nang maayos ang public funds matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 General Appropriations Act noong nakaraang linggo.
Sa isang radio interview, sinabi ni Go na walang kahit isang piso ang dapat masayang habang patuloy na nilalaban ng bansa ang COVID-19 at upang makarekober sa epekto ng pandemya.
“Kaya hinihimok ko po ang mga kasamahan ko sa gobyerno na gamitin nang tama ang pondong inilaan upang agarang maihatid ang serbisyo at tulong sa mga nararapat nating mga kababayan, sa ating mga mamamayan,” panawagan ni Go.
Wika pa ni Go na mahalaga ang P5 trillion 2022 national budget para magtagumpay ang pandemic response ng gobyerno at recovery efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Sinabi niya na ang mga pondo ay dapat gamitin para sa pagbangon at paglago ng ekonomiya ng bansa.
“Not only sa Covid response dahil ito pong mga biktima po ng Typhoon Odette, inaasahan natin dahil kulang talaga ‘yung pondo nung 2021 — ‘yung disaster fund, ‘yung calamity fund po ng national government kulang na po, PHP2 bilyon na lang natitira [sa 2021],” ayon kay Go.
Sambit niya na maaring gamit ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang Quick Response Fund para sa imprastraktura at tulungan ang local government units na sinalanta ni ‘Odette.’
Muli rin siyang umapela sa mga Filipino na manatiling disiplinado at ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa gobyerno upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI