November 5, 2024

100 local artist lumahok sa art exhibit for a cause sa Clark

GUESTS OF HONOR. Dumalo sina (L-R) Pampanga Press Club (PPC) President Anthony Emmanuel G. Tulabut, Pampanga Provincial Tourism Officer Christian Alvarez, Clark Development Corporation (CDC) Vice President for Admin and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc, CDC Chairman Atty. Edgardo D. Pamintuan, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., Clark Marriott Hotel Assistant Director of Sales Jenny Rivera, Hilton Clark Sunvalley Resort Commercial Director Francis David, at Park Inn by Radisson Clark Director of Sales Michael Nabong sa opening at ribbon cutting ceremony ng Limitless Art Visual Art Exhibit sa Clark Musuem. (CDC-CD Photo)

CLARK FREEPORT – Ine-exhibit ng 100 Kapampangan artists ang kanilang artworks na sinimulan noong Disyembre 29, 2021 at matatapos sa Enero 29, 2020, sa Freeport na ito bilang bahagi ng Visual Art Exhibit for a cause.

Sa temang “Limitless Art”, ipapakita sa exhibit ang higit 200 artworks mula sa mga bagong batang artist pati na rin ng old masters na kilalang national artists.

Noong Disyembre 29, 2021 nang isagawa ang opening at ribbon cutting ceremony ng event sa Clark Museum.

Pinangunahan ni Clark Development Corporation (CDC) Chairman Atty. Edgardo D. Pamintuan ang seremonya kasama sina CDC Vice President for Admin and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., Pampanga Provincial Tourism Officer Christian Alvarez, at Pampanga Press Club (PPC) President Anthony Emmanuel G. Tulabut.

Guest of honor naman sa nasabing event sina Hilton Clark Sunvalley Resort Commercial Director Francis David, Clark Marriott Hotel Assistant Director of Sales Jenny Rivera, at Park Inn by Radisson Clark Director of Sales Michael Nabong.

APPRECIATING ART IN ALL FORMS.  Nilibot nina Clark Development Corporation (CDC) Chairman Atty. Edgardo D. Pamintuan, Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr., at Pampanga Provincial Tourism Officer Christian Alvarez ang Clark museum upang makita ang lahat ng artworks ng Kapampangan artists. (CDC-CD Photo)



Ayon kay Limitless Art Organizer Bennylee Bondoc, ang bahagi ng kita mula sa artworks ay mapupunta sa Camalig Community Pantry.

“We help around 200 to 300 people, sometimes we even reach 500. We want to help more people and we want to continue doing this project. You help the artists and you also help the community,” saad ni Bondoc.

Nabanggit din niya na hindi ito ang unang pagkakataon na nag-organisa sila ng Art exhibit. Ang “Limitless Art” ay pang-limang exhibit na pinangungunahan ni Bondoc at iba pang grupo ng artists. “I called it Limitless Art because art has no limits. The artworks are not just sculptures or paintings. We also have photography and for this year, I put up a portrait wall for our artists who do portraits so that people can see different kinds of portraits,” dagdag niya.

Suportado naman ng Clark Marriott Hotel, Hilton Clark Sunvalley Resort, Quest Hotel and Conference Center-Clark, at Park Inn by Radisson Clark ang kanilang proyekto.

Maaring bumisita ang art enthusiasts sa Clark Museum mula alas-9:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Bukas sa lahat ang exhibit na may entrance fee na P100 para sa adults. Libre naman ito sa mga senior citizens, PWDs, estudyante at mga bata basta’t may dalang ID.

May 50% discount ang alok ng Clark museum sa entrance fee para sa mga may dala ng vaccination cards, na kompleto na sa first at second dose.