Mabilis na kumilos ang San Miguel Corporation (SMC) matapos magpadala ng trak-trak na mga pagkain sa Visayas at Mindanao regions na hinagupit ng bagyong Odette.
Nagdispatsa ang SMC ng fuel stocks sa kanilang mga Petron installations na maaaring makapagbigay ng tulong sa malalapit na mga komunidad.
Nag-donate rin si SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang ng P1 milyon sa Operation Damayan, isang fund drive na inorganisa ng Philstar Media Group, para sa relief operations.
“We are one with all our countrymen who were affected by the recent typhoon. There’s a lot of things that are needed right now; we want to help make sure that basic food is covered,” sabi ni Ang.
Nakipagtulungan na ang SMC sa mga local government units para mabilis masaklolohan ang mga apektadong probinsya at komunidad.
Umabot na sa P30 milyon ang naibigay na donasyon ng SMC sa mga naapektuhang lalawigan.
Bukod dito, nagkaloob din ang SMC na dagdag na donasyon na 10 trak ng iba’t ibang food products na nagkakahalaga ng halos P20 milyon.
“We are exerting all efforts to reach, and help all affected provinces–with special focus on the hardest-hit areas,” wika ni Ang.
Sa Mandaue, Cebu ay binuksan ng San Miguel Brewery facility ang kanilang Henan Cortes water station sa publiko para sa libreng tubig mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon araw-araw.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM