November 24, 2024

BI SA MGA PAPAALIS NA BIYAHERO: MAGING MAAGA

Hinimok ng Bureau of Immigration (BI) ang mga biyahero na papuntang abroad na maagang magtungo sa mga paliparan upang bigyang-daan ang mga ahensiya na ipatupad ang mahigpit na social distancing.

Inimungkahi ng mga airlines na simulan ng travelers ang check-in process ng 3 hanggang 4 oras bago ang kanilang naka-schedule na flight.

Inihayag ni Morento na nitong mga nakaraang araw ay patuloy na tumaas ang bilang ng international travelers na paalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga paliparan sa Mactan, Cebu at Clark, Pampanga sa pagsisimula ng Christmas season.

“While there are significantly less travelers this year because of the pandemic, there could still be congestion for late passengers rushing during boarding time,” ani Morente.  “We can help avoid congestion during boarding by checking in early,” dagdag niya.

Ibinahagi niya na dahil sa pandemic, kailangan ng mga airline na magsagawa ng karagdagang pagsusuri upang tiyakin na masunod ang travel restriction sa iba’t ibang destinasyon na bansa.

Inabisuhan din ni Morente ang mga papaalis ang departing passengers na tiyakin na kumpleto sila sa travel requirements, gayundin ang mga idinagdag na travel requirements ng iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Idinagdag din niya, na inatasan ang BI officers na mas maging mapagmatiyag sa screening ng mga pasahero dahil maaring samantalahin ng human traffickers at illegal recruiters ang holiday rush upang makapambiktima ng ating mga kababayan na makalabas ng bansa.

“Our immigration officers are always on the lookout for suspected human trafficking and illegal recruitment victims,” saad ni Morente.  “Despite the holiday rush, we will ensure that our kababayan are protected from these predators, and we will turnover any victims to the Inter-Agency Council Against Trafficking for filing of cases against their recruiters,” babala niya.