November 24, 2024

MADHOUSE RECORD LABEL ARTISTS, SANIB PUWERSA SA 3-DAY MINI-CONCERT SERIES AT ALBUM LAUNCHING

Isa sa malaking music event ng OPM ngayong taon ay ang idaraos na Album Launching ng Madhouse Record Label artists. Tampok ang ilang mga piling artists at singer-songwriters nakasapi ng Madhouse.  Ito ‘y sa kabila ng pandemya; na isa sa labis na naapektuhan ay ang Music Industry partikular na ang mga musikero at mga banda. Ito’y ang mga bandang OLKISROTOM at SkoolService, solo artists at singer/songwriters na sina Soleil Misalucha, Angelica Sengco, Reiner Espiel at Joel Jabelosa.

Ilan sa mga musikerong hindi nagpatinag  upang patuloy na lumilikha ng mga orihinal na awitin ngayong panahong ng pandemic. Sila’y maglulunsad ng kanilang 3-day Album Launching mini-concert series ngayong Dec. 28-30, 2021 na idaraos sa Social House, Circuit, Makati. Ipapamalas nila hindi lamang ang kanilang galing sa pagtugtog at pagkanta, iparirinig din nila ang kanilang mga original songs na talaga namang kinagiliwan ng audience.

Ang OLKISROTOM Band ang mapapanood sa first day ng event sa Dec. 28, 2021. Talagang kapanapanabik ang kanilang pagtatanghal nainaasahang mapapakinggan ang kanilang magagandang awitin na nauna nang kinagiliwan.

May be an image of 8 people, people standing and text
Photo Credit: Olkisrotom FB page

Tulad ng Pansamantagal, Lipad, at iba pa. Inaabangan na ng mga fans at followers ng grupo ang bagong ilalabas na album na naglalaman ng mga bagong awitin gaya ng Sulong, Para Kang Model, Pakipot Diaz, Waiting, Freeze Me, Sikreto, Motorsiklo, Feeling Is Just Like You, Oras Ko at Wait I’m A Little Bit Late.

Ayon sa grupo, talagang kaabang-abang ang nasabing album dahil sa magkakaibang mensahe ng bawat awitin na maraming tao ang makaka-relate.

And OLKISROTOM ay nabuo noong 2010 mula sabinaligtad na mga letra ng Motorsiklo. Ito ay kinabibilangnan nina, Julio Acuyong (lead vocalist), Shy Acuyong  (female lead vocalist), Ryan Cloyd (lead guitarist), Amiel Codilla (percussions), Notty Ren( drums), Eric Ren (keyboards), Justine “CoolJay” Cortezasa (bass) at Reiner Espiel (rhythm guitar).

Samantala, ang ‘SkoolService’ naman ay busy na rin sa paghahanda sa nasabing okasyon na mapapanood naman sa second day ng event ( Dec. 29 2021). Inaasahang may kakaibang uri din ng musikang OPM ang ihahain ng grupo para sa kanilang mga fans at listeners; na una nang kinagiliwan sa kanilang mga awitin gaya ng Tanging Hiling, Kanta, Sandatang ‘Di Nabibili at marami pang iba.

No photo description available.
SkoolService (FB Page)

Ang SkoolService ay isang Alternative Pop/Rock band na  nabuo noong 2012. Ito’y binubuo nina Jay ( vocals at bass guitar), Rye ( lead guitars) , Markie (drums) at Geeboi (rhythm guitar).

Madhouse Records solo artist

Mapapakinggan naman sa last day ng event ang mga solo artists na sina Soleil Misalucha, Angelica Sengco, Reiner Espiel at Joel Jabelosa. Inaabangan na rin ng kani-kanilang mga fans at followers ang apat; na hindi rin pahuhuli sa kanilang husay sa paglikha ng mga original songs. Maaaring mapakinggan ang mga nasabing artists sa kanilang Youtube Channels, Facebook page at ibat-ibang music platforms.

Ang OLKISROTOM, SkoolService, at sina Soleil Misalucha, Angelica Sengco, Reiner Espiel at Joel Jabelosa, ay ilan sa mga natatanging artists na kabilang sa Madhouse Record Label. Ang Madhouse Music ay pinamumunuan ng founder nito ang itinuturingna isa sa mga hit-maker ng OPM na si Rannie Raymundo.