Nagtala ng history si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa NBA. Kasabay ng pagtaga ng team sa New York Knicks, 105-96, nagtala ng record si Curry sa statistics ng liga. Nalampasan na nito si Ray Allen sa number 1 All-Time 3-Pointer Leader.
Nabasag ni Curry ang all-time-high ni Allen na 2,973 sa Madison Garden sa New York. Nagawa niya ito sa 7:35 mark sa first quarter at naitala ang 2,974. Nagalak naman ang crowd sa achievements na ito ni ‘The Chef’. Naghiwayan ang mga fans, mapa-Knicks man o Warriors sa Madison Garden.
Itinigil muna ang laro sa 7:28 mark upang bigyang pugay si Curry. Maging si Allen ay kasamang pumalakpak mula sa audience. Lumapit pa ito kay Steph at niyakap siya.
Nagtala rin siya ng 22 points, 3 rebounds at 3 assists. Nag-ambag naman si Jordan Poole ng 19 points at 9 rebounds. Habang si Andrew Wiggins naman ay pumukol ng 18 points. Sa panig naman ng Knicks, bumira si Julius Randle ng 31 points at 7 rebounds. Habang 15 points naman ang ginawa ni Derrick Rose.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison