November 1, 2024

P135M ZOO BINUKSAN SA CLARK

CLARK SAFARI AND ADVENTURE PARK SOFT OPENING. Pinangunahan nina Clark Development Corporation (CDC) Chairman Edgardo Pamintuan (pangatlo sa kaliwa), CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan (pangalawa sa kanan), at Clark Safari owner Romy Sitchon (pangatlo sa kanan)  ang ribbon cutting ceremony ng soft opening ng Clark Safari and Adventure Park sa loob ng Clark Freeport Zone. Nasa larawan din sina (mula kaliwa pakanan) Mrs. Herminia Pamintuan, CDC Vice President for Business Development and Business Enhancement Group (BDBEG) Rynah Ventura at CDC Vice President for Engineering Services Group (ESG) Dennis Leagspi. (Photo courtesy of Jay Pelayo.

CLARK FREEPORT – Dahan-dahan binuksan kamakailan lang ang 40-hektaryang zoo kung saan tampok ang mahigit sa 1,500 na live animals at 70 animal spiecies sa Freeport na ito.

Itinayo noong 2019, pormal nang binuksan ng Clark Safari and Adventure Park ang pinto nito sa publiko noong Disyembre 8, 2021.

Isinagawa ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng dahan-dahang paglulunsad ng pasilidad. Pinangunahan ito nina Clark Safari owner Romy Sitchon, Clark Development Corporation (CDC) Chairman Edgardo Pamintuan, at CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan.

Kasama rin nila sina CDC Chief-of-Staff Dennis C. Legaspi, CDC Vice President for Administration and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc, CDC Vice President for Business Development Rynah F. Ventura, CDC Assistant Vice President for Investment Promotions Divisions I Thelma C. Ocampo, at CDC Manager for Building and Facilities Permits Division Erwin C. Bognot.

Sa naturang event, nagkaroon ng live orchestra performance para magsilbing welcome sight para sa mga guest na kinabibilangan ng mga  kabataang Aeta na inikot ang15-hectare Phase 1 area.

ADVENTURE AT CLARK SAFARI. Hindi maitago ng Aeta kids ang saya sa bagong Clark Safari and Adventure Park sa loob ng Clark Freeport Zone (CDC-CD Photo)



Samantala, tatanggap ang zoo ng 2,500 bisita at ipapatupad ang basic health at safety protocols  na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng bisita at guests.

Naglaan si Sitchon ng P135 milyon halaga ng investment para sa development ng zoo. Ibinahagi rin niya na natutuwa siyang i-welcome ang mga visitors at turista sa pinakabagong atraksyon sa Freeport matapos ang ilang serye ng lockdown na dahilan para ma-delay ang kanilang paglulunsad.

Bukod sa zoo  tour, mae-enjoy rin ng mga bibisita sa Clark Safari ang iba’t ibang akibidades katulad ng animal interactions, picture taking at animal feeding, para makilala ng mga visitor ang iba’t ibang uri ng hayop.

bukas araw-araw ang zoo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, kahit holidays. Pupuwede ang lahat na pumasok sa Clark Safari and Advenuture Park.  Abot-kaya rin ang entrance fees sa halagang P399 para sa kids (four feet below) at P499 sa adults.

Libre naman ang mga bata na three feet below habang 20% discount sa mga senior citizens at PWDs.

Mas marami pang masasayang aktibidad ang mararanasan kapag natapos na ang Phase 2 ng zoo. Kabilang dito ang pagpapatayo ng theme park sa loob ng zoo kung saan magkakaroon ng safari rides, zip lines at ATV rides na available sa publiko.