November 24, 2024

MERALCO MAY DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE (Sa ika-9 na sunod-sunod na buwan)

Tataas na naman ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre at ito na ang ika-siyam na sunod-sunod na buwan.

Nasa P0.31 ang umento sa kada kilowatt-hour (kWh) ang umento sa singil at mayroon nang kabuuang P9.77 kada kilowatt-hour ngayong buwan mula sa dating P9.46 noong buwan ng Nobyembre.

Dahil dito, sa mga kumokonsumo ng 200 kilo-watt hour ay madadagdagan ang kanilang bayarin ng P62.86 sa kanilang bill at P94.26 naman para sa mga customers na komokosumo ng 300 kWh habang P157.15 sa mga komokonsumo ng 500 kWh ng elektrisidad.

Pangunahing rason sa pagtataas ng singil ng Meralco ay dahil umano sa mataas na generation charges.

Ayon sa Meralco ang generation charge ngayong Disyembre ay tumaas ng P0.19.

Mula raw sa dating P5.33 kada kWh ay naging P5.53 ito ngayong buwan.

Kasama na raw sa babayaran ngayong buwan ang una sa four monthly installments kabilang na ang deferred costs mula sa November bill.