Siguradong kilalang-kilala n’yo si former NBA-player at Gilas Pilipinas player Andray Blatche. Hindi rin nakaligtas sa iskandalo ang basketbolista dahil sa mga intrigang ipinupukol sa kanya. Noong rookie pa lang siya kung saan nilambat ng Washington Wizards noong 2005 NBA Draft bilang 49th overall pick, nasangkot agad sa iskandalo ang kelot.
Papaano ba naman kasi, binaril ng pulis si Blatche noong Setyembre 25, 2005 dahil sa tangkang carnapping. Nangyari ang insidente malapit sa kanilang bahay sa Alexandria, Virginia. Nabaril si Blatche sa dibdib at mabuti na lamang at walang tinamaang vital organs. Noong Agosto 2, 2007 naman, kinasuhan ang cager ng sexual solicitation sa Logan Circle na malapit sa Washington D.C.
ang kelot na pumipick-up ng prosti. Minalas siya nang ang napagtanungan niyang bugaw ay undercover police officer pala na siyang umaresto sa kanya. Gayunman, nilaglag ang kaso sa kanya nang sundin niya ang court orders pati ang pagdalo sa seminar para sa mga kalalakihang nagso-solicit ng mga prosti.
Noong June 4, 2008 naman, naaresto na naman siya dahil sa reckless driving at pagmamaneho na expired na ang lisensiya. Pinakawalan naman siya pagkatapos na makapagpiyansa.
Napaulat din na nagtutungo si Andray sa isang night club sa Miami at doon ay nakipagdate siya sa hip-hop star at model na si Karlie Redd. Pinagpiyestahan ang dalawa nang maglaplapan sa harap ng madlang pipol. Gayunman, lahat ng kalokohang ginawa noon ng basketbolista ay kanyang binawi sa pagpapakabait upang muling kagiliwan ng mga tao.
Kabilang na nga rito ang pagtatag ng Andray Blatche Foundation na nagbigay ng charity work sa Jamaica kung saan nagbigay siya ng mga sapatos, bola ng basketball at $50,000 halaga ng tseke sa mga eskuwelahan sa nasabing bansa. (Agila ng Bayan Sports Buzz).
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)