Pinaalalahanan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na kailangang personal na maghain ng withdrawal statement ang mga kandidatong aatras sa halalan sa susunod na taon.
Kasunod na rin ito ng pag-atras ni Sen. Bong Go kahapon.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kailangang magtungo ni Go sa Comelec para isumite ang kanyang statement of withdrawal at certificate of candidacy (CoC) sa pagkapresidente sa poll body.
Nilinaw naman ni Jimenez na hindi na papayagan sa ngayon ang substitution ng mga kandidato dahil voluntary naman daw ang withdrawal.
Kahapon nang tuluyan nang inanunsiyo ni Go ang kanyang pag-atras sa May 2022 polls.
Siya ang standard-bearer ng ruling PDP-Laban party.
Kung maalala, si Go ay unang naghain ng kanyang kandidatura bilang bise presidente noong Oktubre pero noong November 13, nag-withdraw ito ng kanyang CoC at naghain ng panibagong CoC par sa pagka-presidente.
Pinalitan ni Go si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na umatras sa pagka-pangulo sa parehong araw.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI