PINAKAMABIGAT na desisyon para sa isang lalaki ang pag-atras sa isang laban.
Pero ito’y gumagaan kung para naman ito sa ikatitiwasay ng sambayanan.
Isang magiting na sakripisyong personal ang ipinahayag sa madla kahapon ni Senator Bong Go- ang heavy na pag-withraw sa karerang pampanguluhan bilang aniya’y makabuluhang hakbang para sa kanyang pagmamahal sa bayan.
Kung tutuusin, sa kanyang naging karanasan bilang little president ng halos anim na taon kay PRRD sa Malacañang at buong bansa ,pati na ang makinarya nito sa pulitika, kaya niyang rumepeke mula sa balya hanggang final turn tungo sa isang photo finish sa meta ng karera ng halalan 2022.
Pero taos at tapat sa kanyang kalooban, alam niyang may gusot sa nasuongan niyang maghangad ng pinakamataas na puwesto ayon sa atas ng partido at pagsunod kay Pangulo.
Ang tunay niyang pinaghandaan ay ang pagiging bise pero sa di inaasahang pagkakataon ay makakatapat niya ang isang kasangga at ayaw niyang maging lamat ito sa isang matagal nang itinuring niyang kapamilya na ayaw niyang mangyari dahil lang sa pulitika.
Dito nagsimula ang sakripisyong di siya handa.
Mahal niya ang mga Duterte, ang sambayanan at ang Pilipinas.
Nananalig siya sa Diyos na Siyang tanging may alam sa kanyang tatahaking kapalaran sa hinaharap. Destiny ‘ika nga kung siya ang mamumuno pagdating ng kanyang tamang panahon.
Ang kanyang pag-atras ay di isang mantsang mahirap tanggalin bagkus ay isang kabayanihan at kagitingan nang kanyang ianunsiyo sa harap ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio kahapon.
“One step backward ..two steps forward”. Saludo kay Senator Bong Go..MISMO!
Lowcut:Gayunpaman ay mananatili pa ring maglilingkod ang workaholic na public servant.Senador pa rin siya hanggang 2025. Tuloy ang malasakit center para sa less fortunate nating kababayan.Go pa rin ang kalinga ni Sen SBG sa pambansang SPORTS.Bisyo pa rin niya ang Serbisyo sa bayan. Wish niyang suportahan ang magtutuloy ng legasiya ni PRRD na build3, giyera kontra droga , kurapsyon at ang ipagpapatuloy ang mabisang nasimulan sa paglaban kontra covid pandemic.GO’28!
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA