Lumuluwag na kahit paaano ang protocols at restriction sa atin sa kabila na di pa tapos ang pandemya. Katunayan, isinailalim na sa Alert level 2 ang Metro Manila. Pati na rin ang karatig lalawigan nito. Kaya naman, nagbunyi ang ilan sa ating mga kababayan. Ito marahil na masasabing epekto ng vaccination.
Ayon sa datus, nasa halos 70% porsiyento na ang bakunado sa NCR at iba pang panig ng Pilipinas. Kaya, di na mahigpit ang pagpunta sa ibang lugar. Bukas na rin ang lunan sa mga turista.
Nagagaw ana nila kahit papaano ang kanilang ginagawa noong di pa nagkaroon ng pandemya. Nakakapamasyal na ang iba sa mga publikong lugar. Gayunman, sa kalayaang ito na binigay na prebilihiyo ng otoridad, may ilang di nasusunod na protocols.
Inalis na ang pagsusuot ng face shields. Kumpurmi na lang ito sa iba. At dahil nga sa kaluwagang ito, medyo nakalilimot ang ating mga kababayan. May ilang di na nagsusuot ng face mask. Nawala ang social distancing.
Karaniwang nangyayari ito sa ilang lunan ng kasiyahan o bar. Kung saan ay nagkakasiyahan ang mga kabataan. Mahirap talagang maiwasan ito. At dahil sa pagluwag, dumami ang paroo’t parito sa mga publikong lugar. Lalo na sa mga pamilihan. Kaya, nag-aalala ang ilan sa atin na baka sumipa uli ang surge.
Sa il;ang panig kasi ng Europa, dumami uli ang kaso ng COVID-19. Ika nga ng otoridad, nasa fifth wave na ito. Iyon ang senaryo na di dapat mangyari. Kung hindi, baka sumailalim na naman tayo sa paghihigpit. Huwag naman sana.
Kaya ibayong pag-iingat lang ang gawin. Huwag makakalimot sa mga alituntunin. Tandaan na ‘freedom is relative, not absolute’.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino