Nakakuha si pole vaulter EJ Obiena ng matatag ng supporter sa katauhan ni Sen. Manny Pacquiao. Bagama’t pinayuhan siya ng senador na magretiro na. Kinuwestyon ng presidential aspirant ang Philippine Track and Field Athletics Association (PATAFA).
Ayon sa senador, hindi ginawa ng ahensiya ang tamang procedures sa pag-audit ng funds disbursed sa Tokyo Olympian.
“Mas maganda sana kung nagsagawa muna ng mas malalim na pagsisiyasat ang PATAFA, bago ito gumawa ng memo para kay EJ na tila nai-leak pa sa media,” sabi ng senador.
“Bilang isang atleta, nararamdaman ko po ang sama ng loob ni EJ,” said Pacquiao.
Pinasinungalingan naman ng PATAFA ang pahayag ni Obiena. Kung saan, parang ‘character assassination’. Anila, pribado ang ginawa nilang imbestigasyon upang di mabatid ng publiko. Kinundina ni Obiena ang pahayag ng ahensiya na hindi nito binibigyan ng sahod ang kanyang Ukranian coach.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo