CLARK FREEPORT – Umabot sa 79 na vendor na Aeta ang nabigyan ng oportunidad ng Clark Development Corporation (CDC) na magkaroon ng designated area kung saan maari nilang ibenta at i-exhibit ang kanilang sariling produkto na tinaguriang “Ayta Na” market na matatagpuan sa isang commercial area sa loob ng nasabing Freeport.
Nagkaroon ng soft opening ang agricultute at souvenir market noong Oktubre 15, 2021 at kasalukuyang nag-o-operate. Isinasagawa na ang paghahanda para sa grand opening nito na nakatakda sa Nobyembre 17, 2021.
Ilan sa mga produkto na mabibili sa lugar ay sariwang ani at souvenir items na ginawa ng Indigenous Peoples (IP), prutas ag gulay mula sa Arayat at Porac sa Pampanga, seafood mula sa Candaba at Sasmuan, Pampanga, mga delicacy at desserts mula sa Candaba, Pampanga at Bamban, Tarlac, at halaman mula sa Baguio City.
Nakipagtulungan ang External Affairs Division (EAD) ng CDC sa Department of Agriculture (DA) para sa direct suppliers na nagmula sa iba’t ibang lugar sa probinsiya.
Ayon kay CDC Capacity Building Officer Lycia Marzan, sumailalim sa training ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga IP vendors upang tiyakin na quality at nasa tamang presyo ang mga itinitindang produkto.
Araw-araw bukas ang ‘Ayta Na’ market. Bukod din ang wet market nito tuwing Biyernes at Sabado. Samantala, iba’t ibang halaman ang maaring pagpilian ng mga plant lovers. Ito ay available mula Lunes hanggang Linggo, kahit holidays.
Bahagi ang nasabing inisyatibo ng CDC-EAD Corporate Social Responsibility (CSR) programs na inilaan para tulungan ang Aeta communities na malapit sa Freeport na ito.
Umaasa ang CDC na marami pang matutulungan na IP vendors na makikinabang sa aforementioned livelihood initiative kapag pormal na itong binuksan sa Nobyembre 17, 2021.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?