BINUKSAN na ng San Miguel Corporation ang Circolo weekend community market simula noong Oktubre 23 sa bakanteng lote na pag-aari nito sa Cabuyao, Laguna upang matulungan ang mga magsasaka at maliit na negosyante na maibenta ang kanilang mga produkto sa mas maraming tao at kumita sa gitna pandemya.
Anim na buwang libre ang renta sa nasabing community market, ayon kay SMC president Ramon S. Ang.
Ayon kay Ang, naging matagumpay ang pagbubukas dahil maraming vendors ang nagsabi na mabilis na nabenta ang kanilang mga produkto dahil na rin sa pagluluwag ng protocols sa Metro Manila, kasama na ang Laguna.
Isa sa mga pirming bisitahin ng mga mamimili ay ang outlet ng social enterprise Rural Rising PH, na partner nf SMC sa Better World Diliman community center nito sa Quezon City.
Ang nasabing community center ay nagsisilbing imbakan ng mga gulay at prutas na binili mula sa magsasaka at ibinebenta sa murang halaga sa mga mamimili.
“Sa tulong ng Rural Rising Philippines, ay nakatulong ang SMC sa magsasaka na nahirapang ibenta ang kanilang paninda sa palengke dahil paghihigpit ng byahe dahil sa pandemya. Mula noong July 2020, ay humigit-kumulang 800,000 na kilos na ng gulay at prutas ang naibenta at nakabenepisyo sa 4,500 na magsasaka sa Luzon. Inaasahan pa namin na aakyat ito dahil kasama na ang Circulo na mga outlets nila para makabenta ng gulay ay prutas,”wika ni Ang.
Sa kasalukuyan ay 26 na stalls na nakatayo sa Circolo market na may sukat na 4,000 square meters at matatagpuan sa rotunda ng Sta. Rosa at Cabuyao, Laguna na malapit sa sikat na Nuvali development.
Bukas ang nasabing community market mula 6:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon tuwing Sabado at Linggo. Ngunit dahil sa dami ng namimili at upang mas makabenta ang mga vendors ay pinag-aaralan na dagdagan ang operating hours nito.
Maluwag ang espasyo ng nasabing community market ngunit hanggang 80 katao lamang ang pwede sa loob para mapanatili ang social distancing.
Karamihan na mga nagbebenta sa mula sa Laguna at mga negosyo na suportado ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) ng Cabuyao.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY