December 24, 2024

VICTOR RODRIGUEZ, TINAWAG NA ‘NUISANCE PETITION’ ANG PROPAGANDANG IPAKANSELA ANG CANDIDACY NI BBM

Sinupla ni Victor Rodriguez, spokeman ni Presidential aspirant Bongbong Marcos ang maniobra upang i-disqualified si BBM sa electoral race. Aniya, ang petisyon ay ‘nuisence petition’ lamang.

Idinipensa pa ni Rodriguez si BBM na hindi ito tax evader.
“Walang tax evasion, non-filing lang po. Failure to file an income tax return. Magkaibang magkaiba po iyon.”


“Hindi lang naitama ni Bongbong ang mga problema sa tax returns. Kasi nga, bagsak ang regime ng kanyang ama noong 1986. So, papaano niya maitatama yun, gayung tablado sila?” paliwanag niya.

Kaugnay sa petisyon, maglalatag ng resolusyon ang kampo ni BBM. Sa gayun ay mapabulaanan at maliwanagan ang lahat dito. Babalasahin naman ng COMELEC ang petisyon kung ito ay may basehan sa Disyembre.


Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, maglalabas sila ng summon kay BBM. Ito’y kapag nai-raffle na ang kaso sa First o Second Division ng COMELEC. May limang araw si Marcos na sagutin ito.