Magandang araw mga Cabalen, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Sadyang tama ang kasabihan na kapag mabunga ang isang puno, binabato. Ganito ang nangyayari ngayon kay Presidential aspirant Bongbong Marcos. Para lamang malugmok siya ay kaliwa’t-kanang propaganda ang ginagawa.
Sa gayun ay masira ang kanyang imahe. Ang bago nga, pinakakasenla ng ilan ang kanyang kandidatura.Bakit? May takot factor ba?
Kabilang sa ipinupukol kay BBM ay ang Oxford degree na mula sa Vera Files. May puntos? Alaws!
Alam naman ng karamihan kung sino ang talagang malakas. Kung patas lang ang survey— ang laban, aba’y iwan ang mga kalaban. Batid naman natin kung sino ang nasa likod ng mga propagandang ito.Obyus ba?
May basehan ba ang kanilang petisyon? Saka bakit ngayon lang? Common! Ang banat nila, nagsinungaling daw si BBM. Ito’y kaugnay sa 1995 tax-related conviction. Bawal daw ito sa batas. Talaga? Gayun nga ba?
Ang alas nila ay ang butas kay BBM na ‘Moral Turpitude’. Naku, lumang tugtugin na ito. Convicted nga ba si BBM dito? O bumase lang sila sa Wikipedia. Tsk! Na ang reperensiya ay halaw sa opiniom columns mula sa Rappler at mga sabi-sabi lang.
‘E ayon sa Philippine Supreme Court, ang kaso ni BBM ay ‘failure of filing ng kanyang income tax return. Hindi ito saklaw ng ‘moral turpitude’.
Kaya, hindi convicted si BBM ng crime na saklaw ng MORAL TURPITUDE. Intindi! Sino ang paniniwalaan natin, ang PSC o ang pagbase lang sa Wikipedia ng mga petitioner?
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE