December 28, 2024

DRUG TEST SA MGA KANDIDATO, SUPORTADO

Pabor ang ilang kandidato na sumalang muna sa drug testing ang mga naghahangad ng puwesto sa gobyerno.

Ayon kay Raffy Tulfo, senatorial aspirant at beteranong brodkaster, balak daw niyang ipanukala sa Commission on Elections ang drug testing sa mga kandidato gamit ang hibla ng buhok, imbes na ihi.

Paliwanag ni Tulfo, sa ganitong paraan ay maaring ma-detect ang ginamit na droga sa loob ng 90 araw, kumpara sa validity ng ihi, na limitado lamang ng ilang araw.

Nagpahayag naman ng kahandaan si si Vice President Leni Robredo para magpa-drug test.

“Ready ako anytime, hindi sa akin problema ‘yun,” ani ni Robredo sa isang press conference sa Sorsogon ngayong Biyernes.

“Kung ire-require ‘yun, OK. Lalo na maraming kwento na si ito ay lulong sa ganito. Mas mabuti na clean slate kami,” dagdag niya.

Pabor din si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-require ang drug testing sa mga kandidato, ayon sa kanyang tagapagsalita.

“Of course, unifying presidential aspirant Bongbong Marcos supports and endorses any proposal for the drug testing of all candidates in the coming 2022 elections, and in all poll exercises that follow,” ayon kay Marcos Jr’s spokesperson Vic Rodriguez sa INQUIRER.net sa isang text message.

Suportado rin nina Senators Manny Pacquiao, Ronald “Bato” Dela Rosa, and Panfilo “Ping” Lacson ang pagre-require sa drug tests.
Naglakas-loob si Pacquiao na hamunin ang kanyang kapwa mga kandidato na sumailalim sa drug test bago ang campaign period.

“Agree ako dapat pakita natin na malinis tayo. At bago start ng campaign ay sabay-sabay na pa-drug test kami lahat,” sambit niya.

Reasonable naman para kay Dela Rosa na sumailalim sa drug test ang mga nagnanais maging pangulo.

“Dapat lang! Yung security guard nga na nagbabantay lang ng isang establisimento ay required na magpa-drug test iyon pang presidente na magbabantay at mangungulo ng buong bansa exempted sa drug test? Unfair noh?” paliwanag niya.

Wala namang problema para kay Lacson ang nasabing panukala dahil kahit kailang ay hindi raw siya gumamit ng droga.

“I have never been addicted to drugs all my life, so I have no problem with that. In fact, we should all undergo random testing to make it more credible. I understand drug toxins may dissipate after 72 hours,” wika niya.

Pabor din si Manila Mayor Isko Moreno sa drug test dahil masama raw umanong magkaroon ng pangulo na drug addict.

Dapat lang, eh baka mamaya may adik na kandidato, can you imagine kapag may adik na presidente,” sambit ni Moreno sa mga reporter nang bumisita sa Pampaga noong Huwebes.

“I mean, let’s be honest to ourselves, how can we go and campaign against drugs eh even the president eh nagda-drugs  We have to, why not?”