Pinag-iisipan pa International Olympic Committee (IOC) kung ibibilang nila ang boxing at weightlifting sa Paris 2024 Games. Kaugnay dito, ihahayag nila ang desisyon pagkatapos ng isang meeting.
Ayon kay IOC President Thomas Bach, maganda kung mailabas agad nila ang desisyon.Ito’y para na rin sa kapakanan ng mga athletes.
Sinabi rin nito na puspusan din nilang minomonitor ang mga pederasyon. Sa gayun ay maging basehan nila ito sa kanilang magiging desisyon.
Aniya, nagkaroon kasi sila ng problema sa kanilang pangangasiwa. Noon kasing nakaraang buwan, nagkasa sila ng imbestigasyon sa AIBA. Ayon sa IOC, nagkaroon umano ng manipulasyon sa boksing noong 2016 Rio Olympics.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo