Ramdam na ni Juan De la Cruz ang unti-unting pag-igi ng sitwasyon sa gitna ng pandemya. Ito’y dahil sa pagtugon ng taumbayan sa panawagan na magapa-bakuna. Maganda ang naging resulta nito kaya nagluwag na rin ang sitwasyon.
Katunayan, marami-rami na ang namamasyal sa mga pampublikong lugar. Kasi nga, pinayagan na ng kinauukulan. Kaya, may mga namamasyal na gaya sa Luneta Park, Manila Bay at iba pa.
Naging daan din ito upang magbukas ang ilang establishments. Na noong una ay bawal pang mag-operate. Kaya, malaking ginhawa sa ating mga kababayan. Dahil nangangahulugan ito ng pagbalik ng sigla ng kanilang ikinabubuhay.
Gayunman, dapat pa ring maging responsable tayo sa kabila ng kaluwagang ito. Dahil hindi natin hawak ang sitwasyon. IKa nga ng DOH, baka maging spreader ang mga namamasyal sa matataong lugar. Kaya, ibayong ingat ang dapat na gawin.
Sa kabuuan, magandang senyales ito dahil nabubuhayan ng pag-asa ang ilan sa atin. Na tayo ay makakabangong muli sa ligalig na dulot ng pandemya. Di na rin magluluwat, magwawakas din ang salot na ito.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino