May sitsit na malamang magtambal sina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio sa 2022 national elections. Ito’y matapos magtungo sa Cebu City ang alkalde na nakasuot ng green hoodie. Na may nakalagay na ‘ SARA ALL 2022’.
Lalo pang tumaas ang espekulasyon na magta-tandem ang dalawa. Ito’y dahil sa nasa Cebu rin si Marcos. Kung saan ay inilunsad ang kanyang headquarters doon. Malamang mabuo ang ‘Marcos-Duterte-Carpio tandem at ang huli ang magiging bise.
Si dating National Irrigation Administration (NIA) chief Peter Tiu Laviña ang naglahad ng tungkol dito. Aniya sa kanyang post sa Facebook, na nagtungo si Inday Sara sa Cebu.
Ayon pa sa post, may posibilidad na magtutungo rin sa Cebu si Speaker Lord Allan Velasco.
“Its alright that not many noticed my post early yesterday about CeeeBooom and how I wish I would be there this weekend. The reason why is now unfolding – Mayor Sara just took off on board PR2366 bound for Cebu; BBM is in Cebu and also information Speaker Lord Velasco is on his way to Cebu,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA