Ninakaw daw ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ideya sa suspensyon ng excise tax sa produktong petrolyo, ayon sa presidente ng Aksyon Demokratiko.
Sabi ni Ernest Ramel, presidente ng Aksyon Demokratiko, nauna nang dineklara ni Moreno na ang pagtapyas ng buwis sa produktong petrolyo ang isa sa ipatutupad nito kapag nahalal itong presidente sa 2022 elections.
“There is no doubt that Marcos committed ‘idea theft’ from Mayor Isko. This is similar to a rich kid from Forbes Park stealing the ‘term paper’ of a poor but smart kid from the slums of Tondo,” ayon sa statement ni Ramel nitong Huwebes.
“It seems that thievery and fakery is in the blood of the Marcoses. Fake war medals of Senior. Fake diploma from Oxford of Junior,” dagdag pa nito.
Wala pang pahayag si Marcos sa akusayon ng kapartido ni Moreno.
Ipinanukala ni Marcos ang suspensyon ng excise tax sa langis matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO); Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP); Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); at Tiger in Asia.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE