Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinakabahan na ngayon si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa ‘drug war killings’.
Ayon kay Duterte, tiniyak niya kay Dela Rosa, hepe ng Philippine National Police nang ilunsad ang kampanya kontra droga, na magpapakulong siya kung kinakailangan, kaugnay sa nasabing mga patayan.
“Si Bato, nanerbiyos sa Tokhang niya. Sabi ko wag ka mag alala, if there is someone going to prison, it should be me. Pero it should be before a Filipino court, Filipino judge with a Filipino prosecutor,” saad ni Duterte sa pakikipagpulong sa Joint Task Force-Regional Task Force End Local Communist Armed Conflict sa Lucena City.
“Magpakulong ako rito, marami namang penal colony rito, doon na lang ako. Kaya sabi ko kay Bato, wag ka mag ano, ituro mo ako. Si Duterte ang nag-utos. Kung ano nasa listahan mo, sabihin mo, utos ni Duterte ‘yan,” dagdag ni Duterte.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR