Inihayag ni Paul McCartney, member ng legend band na ‘Beatles’ ang rason kung bakit na-disband ang grupo. Nabuwag ang banda noong taong 1970 at sinisisi niya si John Lennon dito.
Aniya, mula nang magkaroon ng relasyon si Lennon kay Yoko Ono, nag-iba na ang ugali nito. Kalaunan, nagsabi nito na aalis na sa banda. Gayung nakasampa sa rurok ng tagumpay ang Beatles noong panahong iyon.
“John walked into the room one day and said, ‘I am leaving the Beatles.’ And he said, ‘It’s quite thrilling. It’s rather like a divorce,” ani Paul.
Isa rin sa itinuturong dahilan ay ang masyadong pagyakap ni John sa ‘art projects’ ni Ono. Kabilang na rito ang anti-war project Bed-ins for Peace noong 1969. Gayundin sa ‘Bagism’.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?