Umatras si ‘Kabayan’ Noli De Castro sa pagtakbo bilang senador sa 2022 national elections. Ito’y kahit halos isang linggo pa lang ang lumipas matapos siyang maghain ng COC.
Ayon sa pahayag ng ABS-CBN, mas gusto niyang ipagpatuloy ang pagiging mamamahayag. Kaysa sa lumusong muli sa politika.
“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” sni De Castro.
Plano sana ni ‘Kabayan’ na bigyang muli ng boses ang taumbayan. Mangyayari lamang ito kung sasalang siya sa senado. Ngunit, sa bandang huli, nagbago ang kanyang isip. Pwede naman daw siyang maglingkod sa taumbayan kahit wala sa politika.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY