Naghain kamakailan lang ng kanyang certificate of candidacy si Undersecretary Mark Allan “Jayjay” Yambao ng Department of Social Welfare and Development para muling tumakbong vice mayor ng nasabing siyudad.
Kasama niya ang kanyang kapatid na si Councilor Leslie Yambao na naghain din ng kanyang CoC bilang reelectionist sa pagka-konsehal ng Malabon.
Si Jayjay ay tatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas habang si Leslie ay sa United Nationalist Alliance o UNA.
Mula sa pagkabata, nasa dugo na ng magkapatid na Yambao ang serbisyo publiko.
Namana nila ang pagiging public servant sa lolo nilang si Mayor Lucio Otoy Guttierez at sa kanilang ina na si dating Vice Mayor Lulu Guttierez-Yambao.
Bilang undersecretary ng DSWD si Jayjay ay marami nang naitulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng social service sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, pero mas pinili nitong muling maglingkod sa kanyang mahal na bayan ng Malabon.
Matatandaan na naging vice mayor si Jayjay taong 1998 hanggang 2002 at naging acting city mayor mula 2002 hanggang 2004.
Naging IBC President din siya mula 2005 hanggang 2007.
Taong 2007 hanggang 2010 nang magsilbi rin siya bilang Assistant Secretary ng DENR.
Walang ibang hangad ang magkapatid na Yambao kung hindi makapagbigay ng pag-asa at pagbabago sa kanilang mga kababayan.
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest