Patuloy na inilalapit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa publiko ang serbisyo ng LTO dahil sa muling pag-arangkada ng LTO on Wheels sa PITX ngayong Sabado, Oktubre 9.
Kabilang sa mga alok na serbisyo ng LTO sa naturang site:
• MV Registration Renewal
• Smoke Emission Testing
• Third Party Insurance (TPL)
Tatanggap ang LTO ng walk-in renewal application mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa PITX Gate, 4 second floor.
Samantala, sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Mr. Jason Salvador na kasalukuyan nang pinag-uusapan ng PITX at LTO ang planong pagpapatayo ng LTO Licensing Center sa naturang landport.
“We have been receiving inquiries about license application and renewal since LTO on Wheels returned to PITX this year. We discussed the possibility of establishing a licensing site at PITX with LTO, and weboth agreed that it is something we can carry out through our partnership,” pagbabahagi ni Mr. Salvador.
Pinag-iisipan na ngayon ng PITX Management para sa posibleng lokasyon ng Licensing Center sa PITX. Kapag operational na, tatanggap na ang PITX ng mga bagong license applications at renewal sa landport, bukod sa nagpapatuloy na vehicle renewal registration services sa pamamagitan ng LTO on Wheels.
“We look forward to opening LTO’s site office at PITX. More than anything, it’s the public who will benefit from it and that has always been our goal in every project we do with our partners,” sambit ni Mr. Salvador.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY