November 22, 2024

ONLINE WEBINAR TUNGKOL SA FOOD DEFENSE & FOOD FRAUD PREVENTION, ISINAGAWA NG DOST-RO2

Bilang pagtugon sa pagtaas ng demand sa mga ng food services sa panahon ng pandemic, nagsagawa ang Department of Science and Technology Region 02 (DOST-RO2) ng  webinar noong June 25, 2020 tungkol sa ‘Food Fraud and Food Defense Prevention Part 1′ for Women Micro-Entrepreneurs (WMEs).

Sa kanyang presentasyon sa webinar (web seminar), ipinaliwanag ni Resource Speaker DOST-RO2 SRS II Aileen C. Gonzales ang tamang preparasyon ng pagkain, sa gayun ay maiwasan ang hindi inaasahang kontaminasyon na nakapipinsala sa kalusugan ng publiko.

Ani Gonzales, nararapat na magtatag ang mga establisyemento ng ‘food defense team’ na itutuka na magsasagawa ng kaukulang superbisyon sa ihahaing pagkain— upang matiyak na mabibigyan ng proteksyon ang pagkain laban sa kontaminasyon.

Inilunsad din ng focal person ng Cagayan Valley Food Safety Team (CVFST) Threat Assessment Critical Control Point (TACCP); na isang sistematikong pagsisiyasat sa pagpapababa ng banta, kahinaan, pagkontrol sa materyales at produkto, purchasing, proseso, lunan, tao, distribusyon, network at business sytems.

Ang online webinar ay nilahukan ng 89 WMEs mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon at dalawang participants sa Cotabato at  isang professor sa  UP Diliman.

Si DOST-RO2 Director Sancho A. Mabborang, na natuwa sa result ng bilang ng lumahok ay nagsabi sa kanila na— ang bagama’t mahirap sa ngayon ang sitwasyon, ito aniya ay mapagbibigay ng pag-asa.  

Ang importante ay mag-survive, hindi ang kumita. Ako ay naniniwala na ang inyong presensya— signifies your interest in recovering. ‘Wag mawalan ng pag-asa,” pahayag niDirector Mabborang.

Sa kanya namang bahagi, sinabi ni Assistant Regional Director for Technical Operation Dr. Teresita A. Tabaog na ang nasabing webinar series ay bukas hindi lamang sa WMEs, sa ilalim ng DOST-RO2-PCW Women Economic Empowerment (WEE) project; kundi maging sa mga interesadong indibidwal.

Tinuran naman ni Regional Coordinator ong DOST-RO2-PCW WEE project, Mr. Porfirio Bajo na nararapat maging positibo pang lalo ang WMEs sa pagpapatakbo ng kani-kanilang negosyo, lalo na sa panahon ngayon ng krisis dulot ng Covid-19.

Upang lalo pang madagdagan ang pagkaunawa tungkol sa food handler-WMEs, muling magdaraos ang DOST-RO2 ng isa pang webinar sa Food Fraud sa Hulyo 10 sa ganap na ala-1:00 ng hapon. Ito ay may temang ” Food Proud Prevention & Vulnerability Assessment Critical Control Point (VACCP).