Clark Freeport Zone, Pampanga – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark ang apat na babaeng overseas Filipino workers (OFWs) na nagpresinta ng travel documents na pineke ang kanilang edad.
Sa report kay BI Commissioner Jaime Morente, inihayag nina BI Travel Control Enforcement Unit Officers Clarissa Bartolome at Kristan Balanquit na pasakay na ang apat, na itinago ang pagkakilanlan alinsunod sa anti-trafficking laws, sa Qatar Airways flight patungong Doha para magtrabaho bilang household service workers (HSWs).
Napaulat na ang mga biktima, na pawang nagmula sa Timog ng bansa, ay isinangguni ng primary inspection officers para sa karagdagang pagsusuri dahil sa hindi pagkapare-pareho ng kanilang mga sagot.
“The officers noted that the four gave highly inconsistent statements about their age and were unable to provide basic details about themselves,” saad ni Morente.
Ayon sa Bureau, ang minimum age para makapagtrabaho bilang HSWs sa Middle East ay nananatili sa 24 base sa itinakda ng pamahalaan.
“Many trafficking victims are given fraudulently acquired documents to make them appear older than they really are for them to qualify to work abroad,” ayon kay Morente.
“These policies are in place to protect them from harm. This is a form of human trafficking, and their victims are often minors and underaged women,” dagdag nito.
Itinurn-over ang mga biktima sa Clark International Airport Inter-Agency Council Against Trafficking para tulungan na makapagsampa ng kaso laban sa kanilang mga recruiter.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY