November 23, 2024

NAVOTAS MAGBIBIGAY NG CASH INCENTIVES SA CITY EMPLOYEES

MAKAKATANGGAP ng karagdagang insentibo mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga epleyado ng city hall na patuloy ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang dalawang ordinansa na magbibigay ng cash assistance sa regular, casual, contract of service, at job order employees na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod simula March 2020.

“Our employees have been instrumental in our fight against COVID-19. They are our steadfast partner in the implementation of all programs, projects and activities, and the delivery of services to our people,” ani Tiangco.

Ang City Ordinance No. 2021-23 ay nagsasaad na ang mga empleyado na rendered services ng hindi baba sa anim na buwan ay makakatanggap ng kaukulang bayad depende sa uri ng kanilang trabaho.

 Ang mga medical frontliner, na tinukoy na direktang nagtatrabaho sa COVID-19 cases, ay makakakuha ng P6,000. Ang non-medical workers na nasa peligro ding magkaroon ng sakit habang naka-duty, ay bibigyan ng P3,000.

Bukod dito, ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19 ay makakatanggap ng karagdagang P2,000 tuwing makumpirma na nahawahan sila ng virus mula March 2020 – September 15, 2021.

Samantala, sa ilalim ng City Ordinance No. 2021-22, ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng isang beses na tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga empleyado na pumanaw dahil sa COVID-19 sa nasabing time frame.

Ang mamatay na empleyado ng pamahalaang lungsod, anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, na nagbigay ng mga serbisyo nang hindi bababa sa tatlong buwan ay karapat-dapat na makatanggap ng P20,000 cash assistance.

Sa kabilang banda, ang mga empleyado na nasangkot sa high-risk COVID-related functions at namatay, ay kwalipikadong magkaroon ng one-time financial assistance kahit na nasa serbisyo sila nang mas mababa sa tatlong buwan.

“We recognize the significant contributions and sacrifices of all our employees who have relentlessly worked during this crisis.  We want to express our gratitude and, at the same time, motivate them to continue giving their best in serving our fellow Navotenos,” pahayag ni Tiangco. (JUVY LUCERO)