PORMAL nang tinanggap ni AKO OFW chairman Doc Chie Umandap ang kanyang appointment at ranggo bilang major ng Philippine Air Force Reserve sa isang simpleng seremonya sa Villamor Airbase, Pasay City nitong Sept. 27, 2021
Ipinagkaloob ni Brig. Gen. Michael J. Lorenzo PAF, wing commander ng 520th Air Base Wing, ang ranggo kay Doc Chie at apat na iba pang reservist ng Air Force.
Sa kanyang mensahe, umaasa si BGen. Lorenzo na magagampanan ng mga reservist ang kanilang sinumpaang tungkulin na tumulong sa bawat komunidad base sa misyon at bisyon ng PAF.
“You also show your willingness and readiness in carrying more demanding responsibilities which I’m confident you will be able to do. The PAF urge you to continue to fulfill your mandate and tasks. You are chosen to be a part of our association due to our mutual fashion for the PAF vission and mission,” ayon kay BGen. Lorenzo
Si Dok Chie ay kasalukuyang miyembro ng Board of Trustees representing the OFW land based sector ng Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA). Nagsilbi rin si Dok Chie bilang dating administration staff sa Office of Undersecretary for Dental Administration ng Ministry of Health sa Kuwait.
Ayon kay Dok Chie, malugod niyang tinatanggap ang bagong hamon sa kanyang buhay na makapag-lingkod sa inang bayan lalo na’t kinakatawan niya ang mga Overseas Filipino Workers na nakikipag-sapalaran sa ibang bayan.
Kaugnay nito, hinimok ni Dok Chie ang mga bagong bayani na maging bahagi rin ng reserve forces ng AFP upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating bansa.
“Hinihikayat natin ang mga OFW na ibahagi sa ating bayan ang kanilang talino at kakayanan sa pamamagitan ng pagsali sa reserve force ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Mahalaga para sa mga OFW ang matahimik at ligtas na bayan, dahil ang pamilya ng mga OFW ang siyang naiiwan sa ating bansa,” pahayag ni Dok Chie
Bukod kay Dok Chie, kasama rin sa binigyan ng ranggo sina MTC Judge May Hazel Tagupa at Pircelyn Pialago bilang Major, Michael Philip Vergel bilang 1st Lieutenant at Edrixine Kim Lopera bilang 2nd Lieutenant. (DANNY ECITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY