Nagfile ng reklamo sa Games and Amusements Board ang whistle blower tungkol sa naganap na game-fixing at betting. Ito’y sa pagitan ng San Miguel Beermen at Brgy. Ginebra. Kung saan sangkot ang 3X3 player na si Daniel De Guzman.
Kinumpirma mismo ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang tungkol dito. Aniya, aaksyunan ng ahensiya ang reklamo na tinuran nya sa PSA forum.
Ito yung nagpost ng nasabing video na nagbigay ng ‘alleged’ maling tip si De Guzman sa isang namumusta. Na ang kinalabasan ay nasunog ang pera o natalo. Lumabas sa socmed ang viral na conversation ng iba pang players sa Viber. Kagaya ni Joshua Tan at Kevin Yuson.
Nadale rin ang pangalan ni Northport Batang Pier coach Pido Jarencio dahil sa maling end game substititon.
Pero, anong paki ng coach? Diskarte niya iyon at wala siyang kinalaman sa resulta ng laro ayon sa kampo ng coach. Sino raw ba ang gustong magpatalo? Na sinabing benta laban kontra sa Magnolia. Ba’t daw pinalitan si Greg Slaughter? Pero, labas daw ito sa iimbestigahan ayon sa source.
Dahil sa viral trend na inasangkutan ni De Guzman, sinuspendi na ang lisensiya nito. Inilagay na rin siya sa blacklisted player.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo