SUPORTADO ng mga grupo at institusyon si Richard J. Gordon para pangunahan nito ang imbestigasyon sa Senado kaugnay sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng pamahalaan sa medical supplies at equipment upang tugunan ang COVID-19 pandemic.
Naglunsad kamakailan lang ang iba’t ibang alumni ng University of the Philippines (UP) Diliman ng isang online petition na tumutuligsa sa hindi makatwirang pag-uusig kay Gordon at sa Philippine Red Cross (PRC) ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado.
“We stand by and support Sen. Richard “Dick” Gordon in his bold and courageous crusade to unmask the perverse and rapacious theft of the nation’s coffers, and to hold accountable those responsible for the same,” saad nila sa petisyon.
Hinamon din nila ang Pangulo na magsampa ng criminal cases laban sa mga personalidad na sangkot sa umano’y anomaly at pagauagan ang Senate Blue Ribbon Committee kung saan si Gordon ang chaiman na gawin ang trabaho nito na “walang hadlang at malaya sa anumang banta.”
Noong Setyembre 20, naglabas din ang Ateneo de Manila University (AdMU) Classes of 1957, 1961 at 1965 ng matibay na pahayag upang ipakita ang kanilang buong suporta kay Gordon.
“It is time to draw the line and demand from our elected officials to put first the interest of Filipinos, especially the medical frontliners, the marginalized and the millions now forced out-of-work by the pandemic, and hardworking small Filipino businessmen now struggling to survive and to keep their workers from starving,” saad nila.
Pinuri rin ng iba pang AdMU alumni si Gordon para sa kanyang pagsisikap na ibunyag ang mga scalawags na umanoy nagnakaw ng bilyon sa taxpayers money habang libo-libo nating kababayan ang nagdurusa at namamatay sa pandemic.
Nagpapasalamat din sila kay Gordon sa walang kapagurang pagsisikap para pangunahan ang Philippine Red Cross sa pagbibigay ng pangangailangan ng publiko na 24/7 lalo na sa panahon ng pandemya/
Noong Setyembre 21, nagpahayag din ng suporta ang De La Salle Manila alumni of grade school, high school and college classes ng 1971, 1965 at 1970, para sa kamakailan lang na imbestigasyon ng Blue Ribbon at pinuri sina Gordon gayundin ang iba pang senador.
“Senators Richard Gordon, Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Panfilo Lacson, Kiko Pangilinan and Ralph Recto: at this crucial moment in our history, you embody the La Sallian mission of promoting and defending the aspirations of the poor and authentic social justice,” said in their statement.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY