NASAMSAM ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang mahigit sa P2 milyon halaga ng shabu mula sa dalawang babaeng sangkot umano sa droga matapos maaresto sa isinagawang follow-up operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni NPD District Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga suspek na si Tarhata Abdullah, 41, ng 329-B Manuel L. Quezon St. Lower Bicutan, Taguig City at Joyce Rio Lusung, 18, ng Sampaguita Village, San Pedro City, Laguna na naaresto sa follow-up operation mula sa naunang drug operation na isinagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) noong June 30 sa Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Edmunto Paes, 40, at nakumpiska sa kanya ang 60 gramo ng shabu.
Sa isinagawang interrogation, inginuso ni Paes si Abdullah at Lusung bilang supplier umano niya ng illegal na droga na naging dahilan upang magsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng DDEU kontra sa dalawa sa koordinasyon ng Taguig City police.
Matapos ang karagdagang impormasyon na nalikom ng NPD mula sa Regional Intelligence Unit (RIU), agad ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang buy-bust operation dakong alas-11:50 ng gabi sa harap ng bahay ni Abdullah sa 329-B. Manuel L. Quezon St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 300 gramo ng shabu na may standard drug price na P2,040,000.00 ang halaga, isang cellular phone, digital weighing scale, P50,000 marked money, kasama ang dalawang genuine P1,000 bill at 48 piraso ng P1,000 boodle money at P40,000.00 drug money. Dinala ang dalawa sa DDEU-NPD headquarters bago i-prinisinta sa Taguig City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa selling, possession and conspiracy sa ilalim ng Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY