
IKINULONG na sa detention facility ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Corp. director Linconn Ong.
Sinabi ni Senator Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon Committee, iniutos niya sa Senate Sgt. at Arms na dalhin sa kulungan ng Senado si Ong matapos mag-quarantine sa kanyang bahay dahil nagpositibo siya sa COVID-19.
Nauna rito, nai-cite in contempt si Ong at ipinaaresto ni Senador Ping Lacson dahil sa pagiging mailap sa mga sagot sa imbestigasyon ng Senado noong Sept. 10.
Kinuwestyon ng mga Senador kung bakit ang Pharmally ay nakakopo ng ₱8.6 billion contract para sa medical supplies sa kabila ng ₱625,000 ang paid-up capital nito.
Ayon kay OSAA Chief Major Gen. Rene Samonte, ikinulong si Ong sa isang detention room sa basement ng Senado na walang special treatment.
Sinabi ni Samonte na papayagan lang na dumalaw kay Ong ang kanyang abugado at immediate family members. Samantala, ipinagpatuloy ng Senado ang ikawalong imbestigasyon sa kontrobersyal na procurement ng DBM sa Pharmally ng overpriced diumanong facemask at face shields na “laway lang ang puhunan” sa tulong ng negosyanteng Chinese na si Michael Yang, dating Presidential adviser on Economic Affairs.
More Stories
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec
POPE FRANCIS, PUMANAW NA SA EDAD NA 88
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO