Naaresto ang isang high value target personality ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Pangasinan Provincial Office, PDEA Regional Office 1, Urdaneta City Police at iba pang operating unit sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Nancayasan, lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay PDEA Provincial Officer Richie Camacho, sa lungsod ng Urdaneta, kinilala ang naaresto na si Robin Macaraeg.
Sinasabing bumiyahe pa ito mula NCR patungo sa nasabing lugar.
Nakipag-transaction umano ang isang PDEA agent sa suspek na nag-resulta sa kanyang pagkakaaresto.
Kabilang sa mga nakumpiska rito ay 50 grams ng shabu na umaabot sa halagang 340,000.00, isang one thousand peso bill at One Hundred Ninety-nine 199 na piraso ng tag P1,000 na boodle money na ginamit naman, bilang buy bust money, (1) unit ng Cellphone at ID.
Nabatid na sa taong ito o 2021 ay mayroon na silang tatlong operation at tatlong huli ng mga tinaguriang high value target.
Humigit kumulang naman 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang nasamsam sa nasabing mga drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency, na pinangunahan ni Camacho
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY