November 25, 2024

PAGKAKATALAGA KAY DIMAAMPAO, WELCOME KAY GORDON

Welcome kay Senator Richard J. Gordon ang pagkakatalaga kay Court of Appeals Associate Justice Japar B. Dimaampao bilang ikalawang Muslim justice na uupo sa Korte Suprema.

Ayon kay Gordon, na isang ex-officio member ng Judicial and Bar Council, welcome sa kanya ang pagkakatalaga kay Dimaampao na lubusang inendorso ng Muslim communities sa bansa.

“I’m elated with the appointment of another Muslim to the Supreme Court.  It has been more than three decades since the High Tribunal had a justice from Muslim Mindanao,” saad niya.

“I have no doubt that Dimaampao will surely give an equal and fair representation of the Muslim community in the judiciary and strengthen the institution of our sharia justice system in the country,” dagdag niya.

Nakilala si Dimaampao na eksperto sa taxation, commercial and civil law, at pagtutulak sa organisasyon ng sharia appellate court sa buong bansa at ang pagpapayaman sa jurisprudence sa sharia law.

Bilang law professor at bar reviewer sa law universities at review centers sa Maynila, siya ay lubos na may kaalaman sa Philippine Islamic law at mga intricacies sa mga legal na paraan ng Moro kaugnay na rin sa kaugalian at tradisyon nito.

Si Dimaampao ay ang pinakabatang associate justice na na-appoint sa CA na kanyang pinagsilbihan sa loob ng 15 taon. Kinokonsidera rin siya bilang pangalawang Muslim na naitalaga sa High Tribunal, ang nauna sa kanya ay si Associate Justice Abdulwahid Bidin noong 1987.

“His appointment reflects the inclusivity and diversity of our society on the judiciary, notably on the Supreme Court.  He’s very experienced on very complicated legal issues that impact on the everyday lives of Filipino Muslims,” ani Gordon.

Sa pagkakatalaga sa kanya, papalitan niya si dating justice Mariano del Castillo na naretiro noong Hulyo 29.