November 5, 2024

QC SA MGA KOMPANYA: I-REPORT ANG POSSIBLE COVID-19 CASES (Planong magkaso vs construction firm)

Muling iginiit ng Quezon City government ang panawagan nito sa lahat ng kompanya na agad ipaalam sa kanila kung may posibleng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa kanilang mga manggagawa.

Plano kasi ng lokal na pamahalaan na sampahan ng kaso ang isang construction firm dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols.

“We call on companies to immediately inform us about their workers who could be positive for COVID-19. This is to avoid the spread of the virus in their work area and to nearby communities,” saad ni Mayor Joy Belmonte.

“Kung hindi kayo makikipagtulungan at magdudulot kayo ng abala pati na sa komunidad, hindi kami magdadalawang isip na sampahan kayo ng kaso,” dagdag niya.

Inilabas ni Belmonte ang paalala matapos sabihin ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro, na ang mga kaso ay isasampa dahil sa paglabag sa health protocols ng Millennium Erector Corporation (MEC), na kasalukuyang isinasagawa ang pagtatayo ng Manhattan Cubao, matapos na 57 kaso ng COVID-19 ang naitala sa premises nito.

“If evidence proves that MEC was aware of its workers’ situation but failed to report to the CESU, then they may be held criminally liable pursuant to Section 2.c of the IRR of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” saad ni Casimiro.

Inindorso ng Department of the Building Official (DBO), na pinamumunuan ni Atty. Dela Peral, ang pagsampa ng mga kaso para sa paglabag sa RA 11332 matapos itong mag-isyu ng Cease and Desist Order noong nakaraang Agosto 26 laban sa MEC na ihinto ang lahat ng construction activities.

“The CDO will not be lifted until there is clearance from the CESU and DBO,” saad ni Perral.

Matapos madiskubre ang isang index case noong Agosto 16, nagsagawa ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng mass testing para sa 271 manggagawa, kung saan 13 ang nagpositibo at dinala sa HOPE Facility ng siyudad. Isinailalim din ang lugar sa ilalim ng Special Concern Lockdown. Noong Agosto 21, karagdagang 13 positive workers ang dinala sa HOPE.

Noong Agosto 26, nagsagawa ng panibagong mass testing ang CESU sa mga nagnegatibo na manggagawa matapos mapansin ng contact tracer at barangay na marami sa mga ito ang humihingi ng gamot at inuubo. Bilang resuluta, sinabi ng CESU na karagdagang 30 workers ang nagpositibo sa COVID-19.

Maaring puntahan ang CESU sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page at QC Contact Tracing HOTLINES 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, and 0931-095-7737.