November 24, 2024

DWIGHT RAMOS, MAGLALARO SA JAPANESE B. LEAGUE TEAM NA TOYOMA GROUSES

Sumabay na rin sa agos si Dwight Ramos sa ilang Filipino cagers na lalaro sa Japan. Katunayan, pumirma umano ang Ateneo Blue Eagles star sa B. League Division I team Toyoma Grouses.

Ayon sa multiple sources na nagmo-monitor sa sitwasyon, nakuha na ni Ramos ang kanyang Japanese visa. Nangyari umano ito noong last week ng August. Hindi rin siya nag-enrolle sa Ateneo noong nakaraang lingo.

Ayon kay Ramos, excited na siyang makalaro sa Toyama. Pangarap niyang makalaro sa isang magandang siyudad sa Japan.

 “I hope to win a lot of games and bring pride to the city of Toyama together with my new teammates,”ani Ramos.

Mayroong pang 2-years eligibility ang 23-anyos na si Ramos na maglaro sa Ateneo. Naging bahagi rin ang 6-foot-4 utility player bilang go-to-player ng Gilas Pilipinas. Pero, dahil sa kinagat nito ang oportunidad na maglaro sa Japan, baka di na siya maglaro sa UAAP.