Dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) head PLTCOL Renato Castillo ang naarestong suspek na si Michael Mabuhay, 41, electrician at ang 16-anyos na binatilyo, kapwa ng 2nd Ave. BMBA Brgy. 120.
Ayon kay PLTCOL Castillo, dakong alas-3:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy-bust operation sa 5th Avenue, 2nd St., BMBA Compound Brgy. 118 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600.00, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money at kulay dark blue na Lazada plastic.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY